MANILA, Philippines – Nasa 1,477 residente sa Albay ang nananatili sa evacuation centers kasunod ng pagputok ng Bulkang Mayon.
Ang mga evacuee ay nakatira sa six-kilometer permanent danger zone (PDZ) ng bulkan na inilikas matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa alert level 3 ang babala sa bulkan.
Sa kabuuang evacuees, 858 ang mula sa Tabaco, 584 mula sa Camalig at 35 mula sa Ligao.
Hindi pa matiyak kung kailan makakauwi sa kani-kanilang tirahan ang mga evacuees.
Hinigpitan naman ng Philippine National Police ang pagbabantay sa paligid ng six-kilometer PDZ, at ipinagbabawal ang pagpasok dito.
Sa pinakahuling monitoring, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 15 volcanic earthquakes at 30 rockfall events sa bulkan. RNT/JGC