Home METRO 3 huli sa aktong nagdodroga sa Valenzuela

3 huli sa aktong nagdodroga sa Valenzuela

1
0

MANILA, Philippines- Huli ang tatlong drug suspects habang nagdodroga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni Police Investigator P/MSgt. Carlito Nerit Jr., alas-5:00 ng hapon nang maaktuhan ng mga operatiba ng Police Sub-Station 4 na nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ si alyas “Ully”, 43, na bumabatak umano ng shabu sa harap ng isang bahay sa Pinagpala St., Area 3, Sitio Pinalagad, Barangay Malinta.

Nilapitan ang suspek nina Pat Jonathan San Pedro at Pat Roval Labawan saka nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto.

Nauna rito, naaresto nina PMSg Rogie Conge at PSSg Ronald Herrera, kapwa ng Police Sub-Station 7 si alyas “Ferdi”, 23, matapos mahuli nila sa akto na gumagamit umano ng shabu sa loob ng isang bahay sa Block 3 Lot 23 located at .8 Phase 2B Northville 1, Barangay Bignay, alas-3:40 ng hapon.

Dakong alas-11 ng gabi nang maaktuhan naman nina PSSg Santos at PSSg Pingad, kapwa ng Police Sub-Station 5 si alyas “Michael”, na sumisinghot din umano ng droga sa loob ng isang bahay sa Sagip St., Brgy., Arkong Bato.

Nasamsam sa mga suspek ang mga drug paraphernalias kabilang ang may mga bahid ng hinihinalang shabu na gagamiting ebidensya ng pulisya para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila sa piskalya ng Valenzuela City. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here