Home METRO Lucena port ‘di naningil ng terminal fee sa Undas

Lucena port ‘di naningil ng terminal fee sa Undas

1
0

MANILA, Philippines — Libreng makagagamit ng passenger terminal ang mga biyaherong daraan sa Port of Lucena sa Quezon ngayong Undas matapos pansamantalang suspendihin ang koleksyon ng Passenger Terminal Fee.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), mananatiling suspendido ang paniningil ng terminal fee hanggang Disyembre 31, 2026.

Layunin ng hakbang na makatulong na mabawasan ang gastusin ng mga pasahero at maging mas maginhawa ang kanilang biyahe.

May libre ring shuttle service sa Port of Lucena at sa Terminal Management Office sa Balanacan Port sa Marinduque.

Kayang tumanggap ng hanggang 1,000 pasahero ang bagong passenger terminal sa Lucena, na nagbibigay ng mas maluwag at komportableng waiting area bago sumakay ng barko.

Nilagyan din ito ng 144 solar panels na ginagamit upang makalikha ng renewable energy para sa operasyon ng pantalan.

Pangunahing nagsisilbi ang mga biyaheng mula Lucena Port patungo sa mga isla ng Marinduque at Romblon.

Samantala, sinabi ng PPA na nananatiling maayos ang operasyon sa pantalan at wala pang naitatalang pagsisikip ng mga pasahero sa gitna ng Undas rush. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here