Home NATIONWIDE Impeachment trial ni VP Sara posibleng matapos sa Nobyembre — Luistro

Impeachment trial ni VP Sara posibleng matapos sa Nobyembre — Luistro

2
0

MANILA, Philippines — Posibleng matapos ngayong Nobyembre ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung makukumpleto ng defense panel ang presentasyon ng kanilang kaso sa loob ng 10 full trial days, ayon kay lead House prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro.

Sinabi ni Luistro na inaasahan ng prosecution na humiling ang defense ng 10 buong araw ng paglilitis para ilahad ang kanilang ebidensya kaugnay ng natitirang impeachment article hinggil sa alegasyon ng unexplained wealth laban kay Duterte.

Tatlo sa apat na orihinal na impeachment articles ang nauna nang ibinaba ng prosecution, kabilang ang mga alegasyon hinggil sa grave threats laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umano’y misuse ng confidential funds at bribery sa Department of Education.

Ayon kay Luistro, dati umanong humiling ang defense ng 30 full trial days para sa apat na impeachment articles kaya tinatayang maaaring mangailangan ito ng 10 araw para sa natitirang usapin.

Gayunman, sinabi niyang maaari pa ring umabot sa Disyembre ang paglilitis kung mangangailangan ng mas mahabang panahon ang defense.

Kailangan ding pag-aralan ng mga senator-judge ang kabuuang trial record bago maglabas ng desisyon.

Umaasa naman si Luistro na matatapos ang impeachment proceedings bago ang Pasko.

Nakatakdang ipagpatuloy ng Senate impeachment court ang paglilitis sa Nobyembre 9, alas-10 ng umaga.

May mga full-day proceedings ding itinakda sa Nobyembre 10, 12, 13, 19 at 20, habang may mas maiikling trial sessions sa Nobyembre 9, 11 at 23.

Sinabi ni Senate President at impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero na ang iskedyul para sa Disyembre ay nakadepende sa bilang ng trial dates na hihilingin ng defense. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here