Home NATIONWIDE Libreng sakay sa LRT-2 para sa mga bata sa Nob. 4

Libreng sakay sa LRT-2 para sa mga bata sa Nob. 4

5
0

MANILA, Philippines – Libreng makasasakay sa LRT Line 2 ang mga batang wala pang 18 taong gulang sa Miyerkules, Nobyembre 4, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ipatutupad ang libreng sakay sa lahat ng LRT-2 stations mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.

Isinasagawa ang programa bilang suporta sa Council for the Welfare of Children sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.

Bahagi ito ng mga aktibidad para sa ika-34 National Children’s Month na naglalayong itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga bata.

Nilinaw naman ng LRTA na mananatiling nakalaan ang priority boarding areas para sa senior citizens, buntis at persons with disabilities.

Pinaalalahanan din ang mga pasahero na sumunod sa mga patakaran at security procedures sa lahat ng istasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here