Home NATIONWIDE PDP-Laban nag-rally sa SC para kina Duterte, Bato

PDP-Laban nag-rally sa SC para kina Duterte, Bato

4
0

MANILA, Philippines – Nagtipon sa harap ng Supreme Court (SC) nitong Martes ng umaga ang mga miyembro at tagasuporta ng PDP-Laban upang manawagan ng agarang pagresolba sa mga kasong may kaugnayan kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa kabila ng pag-ulan, itinuloy ng grupo ang tinawag nitong “Indignation Rally” sa labas ng Korte Suprema.

Nakatakda ring magsumite ang PDP-Laban ng liham sa SC upang ulitin ang panawagan nitong maglabas na ng desisyon sa mga nakabinbing usapin.

Sa open letter noong Oktubre 31 na nilagdaan ni PDP-Laban acting chairman Alfonso Cusi, sinabi ng partido na nais nitong magkaroon ng malinaw at agarang ruling mula sa Korte Suprema.

Partikular nitong binanggit ang nakabinbing habeas corpus petition kaugnay ni Duterte at ang motion for reconsideration ng kampo ni dela Rosa.

Iginiit ng partido na hindi nito hinihiling na paboran ng SC ang isang panig, kundi magkaroon lamang ng pinal na pagresolba sa mga legal na tanong.

Nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30 ang paglilitis kay Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Nahaharap din si dela Rosa sa ICC arrest warrant at may nakalaang P50 milyong reward para sa impormasyong hahantong sa kanyang pag-aresto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here