Home TOP STORIES Villar nanawagan ng mas matatag na food security sa gitna ng Super...

Villar nanawagan ng mas matatag na food security sa gitna ng Super El Niño

3
0
Inihain ni Senador Mark Villar ang Senate Bill No. 2032 o ang RELIEF Act upang magbigay ng proteksyon sa mga manggagawa at MSMEs na apektado ng energy crisis. Layunin ng panukalang ito na magkaloob ng palugit sa pagbabayad ng renta at utang, at flexible tax deadlines, para maibsan ang pasanin ng mga Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin at langis.

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Mark Villar ng mas matibay at koordinadong hakbang upang mapangalagaan ang food security ng bansa sa gitna ng epekto ng Super El Niño.

Ayon kay Villar, maaaring makaapekto ang matagal na tagtuyot sa produksyon at distribusyon ng pagkain, magpataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at magdulot ng mas malaking pasanin sa mga pamilyang Pilipino.

Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), umabot sa humigit-kumulang ₱6.8 bilyon ang naitalang pinsala sa agrikultura noong kalagitnaan ng Oktubre, habang 109 lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Nagbabala rin ang Department of Agriculture (DA) na maaaring mabawasan ng humigit-kumulang 700,000 metric tons ang inaasahang palay production dahil sa epekto ng El Niño.

“Ang seguridad sa pagkain ay hindi lamang tungkol sa sapat na produksyon. Mahalaga ring matiyak na nakararating ang pagkain sa bawat pamilyang Pilipino sa abot-kayang presyo, lalo na sa panahon ng krisis,” ani Villar.

Nanawagan ang senador na palakasin ang food storage facilities, inventory management, transportasyon at distribution system upang mabawasan ang supply disruptions at pagkalugi ng mga produktong agrikultural.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang suportahan ang mga lokal na producer upang mapanatili ang produksyon sa kabila ng matinding epekto ng panahon.

Ayon kay Villar, dapat ding palakasin ng national agencies at local government units ang koordinasyon at pagbabahagi ng datos hinggil sa climate forecasts, produksyon, food supply at presyo upang maagapan ang posibleng kakulangan.

Binanggit din niya ang kanyang Senate Bill No. 1422 o panukalang Integrated Urban Agriculture Act, na naglalayong palawakin ang produksyon ng pagkain sa urban areas sa pamamagitan ng vertical farming, rooftop at kitchen gardening, aquaculture at iba pang pamamaraan.

Ayon kay Villar, makatutulong ang urban agriculture upang madagdagan ang lokal na suplay ng pagkain at suportahan ang umiiral na food distribution system.

Inaasahan ng pamahalaan na maaaring magpatuloy hanggang unang bahagi ng 2027 ang epekto ng kasalukuyang El Niño. Sinabi ng PAGASA at iba pang opisyal ng pamahalaan na maaaring lumala pa ang dry conditions sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.

“Dapat manatiling pangunahing prayoridad ng bansa ang seguridad sa pagkain. Kailangang maagapan natin ang posibleng kakulangan, palakasin ang suplay at distribusyon, at tiyaking walang pamilyang Pilipino ang mawawalan ng access sa sapat at abot-kayang pagkain,” ani Villar.

Tiniyak naman ng senador na patuloy niyang susuportahan ang mga polisiya at panukalang naglalayong palakasin ang food supply at kakayahan ng bansa na harapin ang epekto ng climate-related risks.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here