Home NATIONWIDE Pagdalo ni Chinese Premier Li Qiang sa Asean Summit sa Maynila, inaabangan...

Pagdalo ni Chinese Premier Li Qiang sa Asean Summit sa Maynila, inaabangan ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – INAABANGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdalo ni Chinese Premier Li Qiang sa 49th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits sa Maynila.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), bilang kapalit, inaasahan naman ng Tsina ang partisipasyon ni Pangulong Marcos sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen.

Inaasahan ang paglahok ng dalawang lider sa kani-kanilang regional summits na pinag-usapan sa isang telephone conversation sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Chinese Foreign Minister Wang Yi, araw ng Martes, Nobyembre 3.

Sa isang kalatas, sinabi ng DFA na ipinabatid ni Lazaro na inaasahan ni Pangulong Marcos ang pagdalo ni Li sa Asean summit, sabay sabing nakaugalian nang ang Chinese premier ang palaging nangunguna sa delegasyon ng Tsina sa Asean-related meetings sa nakalipas na mga taon.

Para naman kay Wang, umaasa naman ang Tsina sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa Apec leaders’ meeting sa Shenzhen.

“Both ministers assured each other that their respective leaders would be accorded the proper courtesies and assistance during these meetings,” ang sinabi ng DFA.

Hindi naman kinumpirma ng departamento kung dadalo o hindi si Chinese President Xi Jinping sa Asean summit sa Manila.

Sa kabilang dako, umaasa naman si Pangulong Marcos sa pagdalo ni Xi sa pagtitipon ng regional bloc ngayong buwan para tapusin ang decades-long negotiations ng Code of Conduct para sa South China Sea.

Inilarawan naman ng DFA ang pag-uusap sa pagitan nina Lazaro at Wang bilang “frank, pragmatic, and constructive, and reflected the interest of both sides in a stable and predictable relationship founded on mutual respect and mutually beneficial cooperation.”

Samantala, kapuwa naman sinang-ayunan ng dalawang foreign ministers ang tatlong prinsipyo para pangasiwaan ang bilateral ties: “maintaining diplomacy and dialogue, avoiding actions and rhetoric that could unnecessarily undermine relations or heighten tensions, and resolving disputes peacefully while managing differences responsibly.”

“Secretary Lazaro underscored that good relations between the Philippines and China serve the interests of both countries and of the region, and must be sustained through regular high-level exchanges, ministry-to-ministry channels, and the appropriate bilateral and regional mechanisms,” ang sinabi ng DFA. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here