Home NATIONWIDE Mga mananaya, bokya sa P87.84-M Super Lotto jackpot

Mga mananaya, bokya sa P87.84-M Super Lotto jackpot

1
0

MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng ₱87.84 milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Huwebes, Nobyembre 5, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Lumabas sa Super Lotto 6/49 ang winning combination na 10-46-40-39-04-16, ngunit walang bettor ang nakatama sa lahat ng anim na numero.

Wala ring nanalo sa ₱10 milyong jackpot ng Lotto 6/42 matapos lumabas ang kombinasyong 25-38-23-36-34-21.

Sa 6D Lotto naman, walang nakakuha ng ₱5.76 milyong jackpot sa winning combination na 8-4-2-8-8-4.

Binobola ang Super Lotto 6/49 draws tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang Martes, Huwebes at Sabado naman ang Lotto 6/42 draws. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here