Home METRO Turistang Kano siningil ng P4,500 sa NAIA terminal transfer; tsuper sinibak

Turistang Kano siningil ng P4,500 sa NAIA terminal transfer; tsuper sinibak

3
0

MANILA, Philippines – Sinibak sa trabaho ang isang driver matapos ireklamo ng isang American passenger na siningil umano siya ng ₱4,700 para lamang sa biyahe mula NAIA Terminal 3 patungong Terminal 2.

Nangyari ang insidente noong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 4.

Dahil pinaghinalaan ng pasahero na sobra ang singil para sa maikling biyahe, agad siyang humingi ng tulong sa airport personnel upang malaman ang tamang pamasahe.

Matapos maisampa ang reklamo, nagsagawa ng imbestigasyon ang NAIA authorities upang matukoy ang driver at transport operator na sangkot.

Lumabas sa imbestigasyon na ang sasakyan ay pinatatakbo ng DRJ Transport, isang kumpanyang accredited ng NAIA Transport.

Kinumpirma rin ng kumpanya na gumamit ng kanilang serbisyo ang naturang pasahero.

Ayon kay DRJ Transport Operations Manager Daniel David, agad nilang sinibak ang driver dahil sa overcharging.

Ibinalik din ng kumpanya sa pasahero ang halagang kanyang binayaran sa pamamagitan ng credit card.

Inamin ni David na nilabag ng driver ng Toyota Innova ang aprubadong fare matrix.

Batay sa tariff schedule na awtorisado ng airport management, ₱2,250 lamang dapat ang pamasahe mula NAIA Terminal 3 patungong Terminal 2.

Ibig sabihin, ₱2,450 ang sobrang nasingil sa pasahero. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here