Home NATIONWIDE Paraguay president nagbitiw sa puwesto sa gitna ng bank collapse

Paraguay president nagbitiw sa puwesto sa gitna ng bank collapse

4
0

PARAGUAY – Nahaharap sa criminal investigation at impeachment proceedings si Paraguay President Santiago Peña kasunod ng pagbagsak ng Ueno Bank na nagdulot ng malawakang financial at political crisis sa bansa.

Nagsumite si Peña ng kanyang resignation nitong Huwebes, Nobyembre 5, ngunit hindi ito tinanggap ng Kongreso kaya nananatiling nagpapatuloy ang impeachment process laban sa kanya.

Nauna nang inaprubahan ng Chamber of Deputies ang impeachment complaint laban kay Peña kaugnay ng umano’y “serious and systematic dereliction of duty” sa kanyang pakikitungo sa bangko.

Nagbukas din ang Senado ng impeachment trial laban sa pangulo.

Sinabi ni Peña na haharap siya sa proseso at ipagtatanggol ang sarili.

Kasabay nito, nagbukas ang Paraguayan prosecutors ng mga imbestigasyon kaugnay ng pangangasiwa sa Ueno Bank, paglalagay ng public funds sa bangko at mga naging aksyon ng ilang opisyal ng gobyerno.

Nagsimula ang krisis matapos pakialaman ng Central Bank of Paraguay ang Ueno Bank dahil sa matinding problema sa solvency.

Ayon sa mga awtoridad, bumagsak ang capital position ng bangko sa mas mababa sa kalahati ng minimum requirement matapos matukoy ang ilang problema sa financial records at lending practices nito.

Milyun-milyong customer ang naapektuhan matapos mawalan ng access sa kanilang savings at iba pang pondo nang ipasara ang operasyon ng bangko.

Sinisiyasat din ng mga prosecutor ang paglalagay ng malaking halaga ng public funds sa Ueno Bank, kabilang ang pondong mula sa mga government institutions.

May mga mambabatas ding nag-akusa kay Peña ng conflict of interest at iba pang iregularidad dahil sa dati niyang business ties sa mga grupong konektado sa bangko.

Itinanggi ni Peña ang wrongdoing at sinabi niyang handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad upang malinawan ang mga pangyayari.

Samantala, nagpatuloy ang mga kilos-protesta sa Paraguay habang hinihingi ng ilang sektor ang pananagutan ng mga opisyal na sangkot sa krisis.

Patuloy namang tinutukoy ng Senado ang magiging kapalaran ni Peña habang nagpapatuloy ang impeachment trial at magkahiwalay na criminal investigations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here