Home NATIONWIDE Defense team ni VP Sara inaasahang magpipresenta ng witness – Hontiveros

Defense team ni VP Sara inaasahang magpipresenta ng witness – Hontiveros

3
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magsisimula ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa pagpresenta ng mga witness at ebidensya nito sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nobyembre 9, ayon kay Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes, Nobyembre 6.

Ani Hontiveros, ito na ang pagkakataon ng defense panel na magpresenta sa Article II ng impeachment complaint o ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte.

“Turn na po nila ngayong trial magpresenta ng kanilang mga witnesses at ebidensya, partikular doon sa Article II,” sinabi ni Hontiveros.

Inaasahang ipapaalam din ng defense panel sa Lunes sa mga senator-judge kung paano nito planong magpatuloy sa impeachment trial matapos ikonsulta si Duterte.

Nang tanungin tungkol sa 20 witness na hiniling ng depensa, sinabi ni Hontiveros na hindi niya makumpirma kung ang lahat ng ito ay dadalo sa proceedings.

“Malalaman natin finally kung sino-sino sa kanila at ilan lahat ang haharap sa pag-presentation na po ng defense panel sa November 9,” anang senador.

Samantala, sinabi rin ni Hontiveros na wala pang itinakdang eksaktong petsa ang impeachment court para sa hatol kay Duterte.

Aniya, bibigyan ng sapat na panahon ang prosekusyon at depensa para magpresenta ng kani-kanilang witness at ebidensya bago sila magdesisyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here