Home NATIONWIDE BJMP pinagpapasa ng Sandiganbayan ng detalyadong report sa kinaroroonan ni Romualdez

BJMP pinagpapasa ng Sandiganbayan ng detalyadong report sa kinaroroonan ni Romualdez

2
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Sandiganbayan Third Division ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magpasa ng detalyadong report sa kinaroroonan ni dating Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez mula nang ilagay ito sa New Quezon City Jail sa Payatas noong Setyembre.

Nag-isyu ng kautusan ang anti-graft court na may petsang Nobyembre 5 kasunod ng mga alegasyon ni Ramon Tulfo na si Romualdez ay nakakalabas-pasok sa detention kung kailan nito gusto.

Binawi naman ni Tulfo ang report nito at sinabing mali ang naibigay na impormasyon sa kanya ng source nito.

“Considering the materiality of the allegations in the aforementioned Facebook post which raise concerns on the court’s effective custody over accused Romualdez, the BJMP QC Jail – Male Dormitory, through Jail Superintendent [Lourdes] Pacion, is ordered to examine all CCTV footage from the time of accused Romualdez’s transfer to the facility on September 14, 2026, up to yesterday, November 4, 2026 and to submit a notarized report detailing the whereabouts of accused Romualdez per the CCTV surveillance system,” ayon sa Sandiganbayan.

Dapat umanong ilagay sa report ang eksaktong lugar kung nasaan si Romualdez mula sa kanyang detention, at ang mga common areas na ginagamit nito.

Sakop sa mga hinihingi ay ang CCTV surveillance system operating logs, system status reports, at maintenance records.

Mga rekord na tumutukoy sa mga taong awtorisadong magpatakbo, magkontrol, mangasiwa, magpatay, at magsaayos ng CCTV system.

CCTV system access logs, audit trails, at records ng anumang deletion, alteration, copying, o retrieval ng CCTV recordings.

Mga rekord ng power interruptions sa BJMP QC Jail – Male Dormitory, at kung gaano katagal ang power interruption, at mga remedyo na ginawa.

Operating logs ng BJMP QC Jail – Male Dormitory backup power supply.

Vehicle entry at exit logbooks, gate pass records, and/or vehicle movement registers;

Rekord ng paggamit ng ambulansya ng BJMP QC Jail – Male Dormitory na nagpapakita ng eksaktong oras ng pag-alis, pangalan ng drayber, medical report, destination, PDL concerned, at iba pang pasahero, at listahan ng jail guards, gatekeepers, medical staff na naka-shift, na nagpapakita ng pwesto nito maging ang pangalan ng mga taong pinayagan na mag-asiste kay Romualdez at kasama nito sa pasilidad.

Latest medical report ni Romualdez, kabilang ang mga impormasyon ng anumang medical examination na isinagawa sa loob at labas ng pasilidad.

Dagdag pa, sinabi rin ng Sandiganbayan na dapat sabihin sa report ang inadequacies ng CCTV surveillance system na sinabi ni Pacion sa anti-graft court nitong Nobyembre 5 para sa mga update.

Dagdag pa, inatasan din ng Sandiganbayan si Jail Superintendent Pacion at Dr. Henry Fabro, maging ang IT personnel ng BJMP QC Jail – Male Dormitory na humarap sa Nobyembre 9 para sa panibagong hearing.

Nauna nang sinabi ni Pacion na si Romualdez ay may personal staff sa kanyang selda para tumugon sa kanyang pangangailangan sa kanyang kondisyong medikal.

Sa kabila nito, iginiit ni Pacion na hindi umalis ng detention si Romualdez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here