MANILA, Philippines – Pormal na binawi ng defense panel ang hiling na subpoena para kay
law professor Dean Ralph Sarmiento, na tetestigo sana para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate impeachment court spokesperson Regie Tongol nitong Biyernes, Nobyembre 6.
Ito ay matapos tanggihan ni Sarmiento ang hiling na tumestigo para sa depensa at sinabing nais nitong ipreserba ang kalayaan ng kanyang
constitutional law scholarship at impartiality ng kanyang legal views at opinyon.
“Nakatanggap ang impeachment court last night ng manifestation mula sa respondent’s counsel na sinasabing hindi na po nila ipu-pursue ‘yung pag-request ng subpoena kay Dean Sarmiento at dahil nirerespeto po nila ‘yung desisyon sa kanyang pagtanggi,” ani Tongol.
Si Sarmiento sana ang unang witness na ipipresenta ng depensa sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Lunes, Nobyembre 9.
Ani Tongol, inaasahang magbibigay ng update si Senate Secretary Renato Bantug Jr. ngayong araw kaugnay sa paglalabas ng subpoena para sa iba pang target na witness ng team ni Duterte.
Dahil hindi na maipipresentang witness si Sarmiento, inaasahang isusulong ng depensa si Atty. Suzette Balucanag-Punay, corporate counsel ng Gencorp Industries, Inc. at Metro City Chow Foods Corporation, ang dalawang kompanyang iniiugnay sa Bise Presidente.
Inasaahang tetestigo si Balucanag-Punay para sa usapin ng corporate at business na iniuugnay kay Duterte at maglabas ng certified true copies at original copies ng General Information Sheets, Audited Financial Statements, at lahat ng corporate records mula 2022 hanggang 2025. RNT/JGC