Home NATIONWIDE 4 kompanya ng bus sa EDSA Busway iniimbestigahan sa overcharging

4 kompanya ng bus sa EDSA Busway iniimbestigahan sa overcharging

1
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of Transportation (DOTr) ang ulat ng overcharging ng apat na kumpanya ng bus na nag-ooperate sa kahabaan ng EDSA Busway.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, ipinatawag na ang may-ari ng apat na bus companies para sa isang pagpupulong sa susunod na linggo.

Giit ni Dizon, kung mapatunayan na talagang sila ay sumosobra sa singil ay tatanggalin ang drayber, konduktor at isususpinde rin ang kumpanya.

Nilinaw ni Dizon na parehong parusa ang ipapataw sa lahat ng public utility vehicles (PUVs) sa buong bansa na lalabag sa mga regulasyon.

Sinabi ni Dizon na kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang DOTr-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here