Home TOP STORIES Barkong nagtangkang lumusot sa blockade sa Iran, pinahinto ng US military

Barkong nagtangkang lumusot sa blockade sa Iran, pinahinto ng US military

1
0

MANILA, Philippines – Pinahinto ng militar ng United States ang isang commercial ship sa Gulf of Oman nitong Huwebes matapos umanong tangkain ng mga tripulante nito na lusutan ang blockade ng US sa Iran.

Ayon sa US Central Command, pinaputukan ng mga military aircraft gamit ang precision munitions ang hulihang bahagi ng barkong M/V Pacific Archer na may bandilang Palau.

Nangyari ito matapos umalis ang barko sa Bandar Abbas, isang port city sa Iran.

Dahil sa pag-atake, nasira ang propulsion system ng barko at hindi na ito nakapaglayag.

Gayunman, walang nasaktan sa mga sibilyang tripulante nito, ayon sa pahayag ng US Central Command. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here