Home METRO Higit P3.1M puslit na sigarilyo, nasabat sa Cotabato

Higit P3.1M puslit na sigarilyo, nasabat sa Cotabato

1
0
Image Representation Only

COTABATO, Philippines – Napigilan ng pulisya ang pagpasok sa lalawigan ng mahigit P3.1 milyong halaga ng puslit na sigarilyo matapos masabat ang isang cargo truck sa checkpoint sa Midsayap, Cotabato noong Huwebes ng hapon, Nobyembre 5.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Ramel Hojilla, hindi nakapagpakita ng mga dokumento ang driver ng truck na kinilalang alyas “Lau” nang madiskubre ang kargamento.

Habang papalapit sa checkpoint sa Barangay Sadaan, tila nagtangkang umiwas sa mga pulis ang truck kaya naghinala ang mga awtoridad.

Nang tuluyan itong huminto, agad na siniyasat ng mga pulis ang sasakyan at nadiskubre ang mga puslit na sigarilyo.

Hindi pa matukoy kung saan nagmula ang kargamento. Gayunman, taga-Barangay Tugbungan, Zamboanga City ang driver ng truck.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Midsayap Police Station kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Lumahok sa operasyon ang mga tauhan ng Midsayap Municipal Police Station at Regional Highway Patrol Unit 12 Special Operations Team. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here