Home METRO SUV tumaob matapos umiwas sa pusang tumawid sa highway sa Laguna

SUV tumaob matapos umiwas sa pusang tumawid sa highway sa Laguna

1
0

LAGUNA, Philippines – Tumagilid ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) na minamaneho ng isang animal lover matapos nitong iwasan ang pusang biglang tumawid sa highway noong Biyernes, Nobyembre 6.

Hindi nasaktan ang driver na humiling na hindi pangalanan at ang kasama nitong pasahero. Gayunman, namatay ang pusa sa kabila ng pagtatangkang iligtas ito.

Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng SUV ang MCLL Highway nang biglang tumawid ang pusa.

Agad na nagpreno at umiwas ang driver upang hindi masagasaan ang hayop, ngunit bumangga ang likurang bahagi ng sasakyan sa roadside barrier dahilan upang tumagilid ito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here