Home ENTERTAINMENT Joross, nagpaliwanag sa pagdiriwang ng Halloween!

Joross, nagpaliwanag sa pagdiriwang ng Halloween!

1
0

Manila, Philippines – Paninita ang inabot ni Joross Gamboa at ang pamilya nito mula sa isang netizen kaugnay ng pagdiriwang nito nu’ng nakaraang Halloween.

Ito’y sa pamamagitan ng bukas na liham.

Nakasaad dito: “I have nothing personal agsinst you. But as a Christian, I cannot simply remain silent when somerhing that conflicts with my convictions is treated like ‘harmless entertainment’ because it depends on how you actually celebrate it.”

Kasunod pa nito: “Your participation in Halloween festivities has prompted me to reflect on a question that I believe every Christian should honestly consider.”

Dahil dito’y iginiit ng aktor ang kanyang opinyon tungkol sa debate sa mga Kristyano na dumadalo sa Halloween.

Ayon kay Joross, ang mga Christians daw ay may kanya-kanyang paniniwala ukol dito.

Simula niya: “All day belongs to the Lord… walang pagmamay-aring araw ang kadiliman. That’s my conviction.”

Aware naman daw si Joross na hati ang mga Kristyano pagdating sa pagdiriwang ng Halloween.

Hindi naman daw kasi lahat ng mga tao’y alam kung paano ‘yon i-celebrate.

“Some people romanticize death or evil, some don’t. Gusto lang nilang samahan ang mga anak nila, humingi at mamigay ng mga kendi.”

Dagdag ni Joross, mahalagang maging maingat daw sa ganitong bagay.

Huwag din daw agad-agad manghusga.

In short, huwag ka nang magdiwang ng Halloween kung taliwas ito sa iyong paniniwala.

Respetuhan lang daw ‘yan as far as personal convictions are concerned: “Hindi natin alam kung ano ang tunay na nilalaman ng puso ng isa’t isa.”

Klaro? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here