Manila, Philippines – Binuksan na nga sa publiko ang burol ng mga labi ni Ate Gay–o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay–na pumanaw nitong November 1.
Sinimulan na ito nu’ng November 4, Miyerkoles.
Bukas ito sa gustong makiramay sa burol sa Capilla del Padre Jose Burgos sa Forest Lake Memorial Park sa Biñan City, Laguna.
Dito din isinagawa ni Ate Gay ang kanyang “living funeral” nitong Ocrober 15.
Ayon sa pamilya ng standup comedian, ang burol ay magtatagal hanggang November 9, Lunes.
Ang interment ay nakaiskedyul sa November 10, Martes.
Ipinaliwanag ng pamilya ni Ate Gay na nahirapan silang asikasuhin ang bayarin sa ospital at preparasyon sa pagpanaw nito.
Gustuhin man daw nilang iburol si Ate Gay sa kanilang komunidad: “Our current financial circumstances have made it difficult for us to do so. We sincerely ask for your understanding.”
Kabilang ang Forest Lake sa mga pinasalamatan ng pamilya “for generously providing the funeral services and other necessities.”
Anumang oras ay maaaring dumalaw sa burol ang malalapit nilang kamag-anak, kaibigan at kasamahan ni Ate Gay, maging ang mga kaibigan ng pamilya.
Pakiusap lang ng pamilya, mangyaring huwag kunan ng picture o video ang mukha o mga labi ni Ate Gay bilang respeto sa kanyang dignidad.
May pahintulot kunan ng litrato at video ang venue o paligid nito: “We sincerely hope everyone will respect his dignity and privacy during his final farewell.
“Above all, we wish to preserve Ate Gay’s dignity and give him the peacetul and respectful farewell he deserves.” Ronnie Carrasco III