CEBU CITY, Philippines – Naghatid ng tulong at pag-asa si Sen. Christopher “Bong” Go sa 117 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Mambaling, Cebu City noong Nobyembre 1.
Nagsagawa ang senador at kaniyang Malasakit Team ng relief activity sa Barangay Mambaling Health Center noong Miyerkules, Nobyembre 4, upang matulungan ang mga residente sa kanilang agarang pangangailangan habang bumabangon mula sa insidente.
Namahagi ang grupo ng financial assistance, pagkain, vitamins, food packs, lalagyan ng tubig, mga damit, basketball, volleyball at pickleball. Naghanda rin ng mobile phone, sapatos, relo at bisikleta na ipamamahagi sa pamamagitan ng raffle.
Nagpasalamat si Go sa patuloy na suporta at tiwala ng mga taga-Cebu.
“Salamat kaayo sa inyong suporta, mga Bisaya. Sauna pa sa panahon ni Tatay Digong inyo gyud gipalangga ang Duterte family. Daghan kaayong salamat sa inyong suporta,” aniya.

Hiniling din niya sa mga residente na ipagdasal ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Naa lang ko’y hangyo sa inyo na atong i-ampo si Tatay Digong, ang iyang maayong panglawas ug kahimtang. Mura na nako tong amahan, mura na pud ninyong amahan nga gipalangga ta sa sulod sa unom ka tuig,” aniya.
Binigyang-diin ni Go na hindi dapat natatapos sa agarang ayuda ang pagtulong sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad. Aniya, dapat manatiling madaling makakuha ng tulong mula sa pamahalaan at tumutugon ito sa pangangailangan ng mga komunidad.
“Kausa ra ta muagi aning kalibutana. Kung unsay kaayuhan o tabang na pwede natong buhaton sa atong isigkatao, ato nang buhaton karon kay di na ta mobalik aning kalibutana,” aniya.
Patuloy ring isinusulong ng senador ang pagpapalakas ng mga programa ng pamahalaan para sa disaster preparedness, emergency response, pansamantalang pabahay at pangmatagalang rehabilitasyon.
Si Go ang principal author at co-sponsor ng Republic Act No. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act, na nag-uutos sa pagtatayo ng permanenteng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.
Naghain din siya ng Senate Bill No. 173 na naglalayong magtatag ng Department of Disaster Resilience upang mapahusay ang koordinasyon at paghahanda ng pamahalaan sa mga natural at gawa ng taong kalamidad.
Inihain din niya ang Senate Bill No. 415 o panukalang Rental Housing Subsidy Program Act, na naglalayong magbigay ng tulong sa upa sa mga kuwalipikadong informal settler families at mga biktima ng kalamidad na nangangailangan ng pansamantalang matutuluyan.
Si Go rin ang principal author at co-sponsor ng RA 11589 o Bureau of Fire Protection Modernization Act, na nagtatakda ng komprehensibong modernisasyon ng kakayahan ng bansa sa pag-apula ng sunog.







