Home NATIONWIDE 1% ng Chinese visa-free tourists sa Pilipinas, overstaying – Remulla

1% ng Chinese visa-free tourists sa Pilipinas, overstaying – Remulla

2
0

MANILA, Philippines – Hindi na umuuwi ng bansa o overstaying na ang nasa 1% ng mga turistang Chinese na pumasok sa Pilipinas nang visa free, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Ito ang komento ni Remulla sa hiling ng Department of Tourism sa Department of Foreign Affairs na palawigin ang visa-free entry para sa Chinese nationals.

“Pinag-aralan na namin iyan. Yung visa-free na yan, more or less 1%, during the first two months, yung hindi na bumalik sa China. Kung 200,000 yan, may 2,000 kaagad yan. Yung nandito, TNT (tago nang tago) na yan,” ani Remulla.

Muli namang iginiit ni Remulla ang nauna nitong panawagan na kumuha ng third-party para sa visa processing dahil ang Department of Foreign Affairs ay gumagawa ng pera sa pag-iisyu ng mga visa sa pamamagitan ng travel agencies.

“Ang DFA, kumikita diyan ang DFA, yung travel agencies, nagp-process ng mga visa. Ang nagsabi sa akin niyan, a very big Fil-Chi businessman in China… Nag-reklamo siya sa akin, when I was Secretary of Justice, kaya nag-away na kami niyan ni Tess Lazaro. Harap-harapan ko sinabi sa kanya ‘yan. I’m not doing this behind her back. I said it to her face,” sinabi ni Remulla.

Wala pang tugon ang DFA kaugnay sa sinabi ni Remulla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here