Home NATIONWIDE Anti-mining advocate binaril sa Leyte

Anti-mining advocate binaril sa Leyte

1
0

MANILA, Philippines – Binaril ang anti-mining advocate na si Jesus Cabias Jr. habang nasa loob ng bahay nito sa Barangay Liwayway, MacArthur, Leyte, gabi ng Biyernes, Nobyembre 6.

Si Cabias ay nagsisilbing spokesperson ng grupo ng mga magsasaka sa MacArthur na tumututol sa iron sand mining.

Sa petisyon na may petsang Pebrero 4, nanawagan ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-isyu ng Executive Order para ipatigil ang mining operations sa lugar.

Sinabi ng National Union of Peoples’ Lawyers Tacloban Law Students (NUPL-TAC) na si Cabias ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Tacloban City.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng pamamaril at ang motibo sa pag-atake.

Kinondena naman ng NUPL-TAC ang pamamaril at sinabing walang totoong climate justice kung patuloy na sasaktan ang environmental defenders. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here