Home NATIONWIDE Mga Pinoy, Amerikanong beterano pinarangalan ni Teodoro sa selebrasyon ng US Veterans...

Mga Pinoy, Amerikanong beterano pinarangalan ni Teodoro sa selebrasyon ng US Veterans Day

24
0

MANILA, Philippines – Pinarangalan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga Filipino at Amerikanong beterano na nagsakripisyo at naglingkod para protektahan ang kani-kanilang bansa, kasabay ng pagdiriwang ng United States Veterans Day 2026.

Si Teodoro ay nilahukan ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton sa wreath-laying ceremony sa Manila American Cemetery and Memorial sa Taguig City.

Iginiit ni Teodoro na ang mga beterano ay nangangailangan ng pagkilala hindi lamang sa kanilang mga sakripisyo kundi maging sa kanilang mga personal na oportunidad na isinantabi sa pagpasok sa ganitong larangan.

Dagdag pa, iginiit nito ang responsibilidad ng kasalukuyang henerasyon na ipreserba ang kalayaan at shared values na ipinaglaban ng mga beterano. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here