MANILA, Philippines – Umabot sa 50.32 milyon ang bilang ng employed Filipinos noong Setyembre 2026, mas mataas ng 721,000 kumpara sa 49.6 milyon noong nakaraang taon, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ngunit sa kabila ng pagdami ng may trabaho, tumaas din ang unemployment rate.
Bumaba ang employment rate sa 94.6% mula sa 96.2%, habang tumaas ang unemployment rate sa 5.4% mula sa 3.8%.
Katumbas ito ng 2.86 milyong walang trabaho, mas mataas ng 909,000 kumpara noong Setyembre 2025.
Lumobo rin ang labor force sa 53.19 milyon, mas mataas ng 1.63 milyon, habang nanatili sa 64.5% ang labor force participation rate.
Pinangunahan ng services sector ang paglago, na nagdagdag ng 869,000 workers, sinundan ng agriculture na may 86,000. Bumagsak naman ang industry ng 234,000, dulot ng paghina ng construction.
Tumaas ang youth unemployment sa 15.3% mula 11.6%, sa kabila ng 606,000 na nadagdag na employed youth.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), kailangang paigtingin ang youth employability programs,
internships, at school-to-work transition.
Noong Setyembre, nagsagawa ang DOLE ng nationwide Trabaho Agad job fairs sa 86 sites na nag-alok ng 157,097 vacancies at nagresulta sa 2,467 on-the-spot hires.
Nagbigay din ito ng P386.6 milyon na TUPAD at DILP assistance sa 49,879 habagat-affected workers sa Central Luzon.
Binigyang-diin ni Secretary Francis N. Tolentino ang pagpapalapit ng trabaho sa komunidad, pagpapalakas ng PESO, at pagbibigay ng relevant skills sa mga mang gagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden