MANILA, Philippines – Isang 20-anyos na college estudyante ang namatay makaraang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang nakaparadang backhoe sa Carmona City, Cavite.
Sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si alyas Arren, nasa hustong gulang na residente sa Monte Subdivision, Brgy. Bancal ng nasabing lungsod.
Kaagad namang naisugod ang biktima sa Pagamutang Bayan ng Carmona subalit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding pinsala nito bunga ng nasabing aksidente.
Base sa ulat, bandang alas-4:15 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Bakahan Parking Lot, Governor’s Drive ng nasabing lugar kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha Sniper na kulay Blue Matte nang pagsapit sa isang pakurbang bahagi ng kalsada ay bumangga ito sa isang nakaparadang back hoe.
Ayon sa pulisya, madilim ang nasabing lugar at wala umanong warning device kung saan nakaparada ang back hoe upang maalerto ang mga dumadaan na motorsita sa lugar. MARGIE BAUTISTA