Home NATIONWIDE Watchdog, House speaker nagkasundong magtulungan sa budget transparency

Watchdog, House speaker nagkasundong magtulungan sa budget transparency

5
0

MANILA, Philippines – Nagkasundong magtulungan para sa budget transparency ang People’s Budget Coalition (PBC) at si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III para sa proseso ng national budget.

Ito ay matapos makipagkita ang PBC kay Dy para pag-usapan ang mga aspeto na maaaring pagbutihin pa ng Kamara sa proseso nito sa pagbusisi at pagsasapubliko ng mga proyekto ng pamahalaan.

“Thank you, Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III, for meeting with the People’s Budget Coalition… acknowledging the points for improvement in the House process, and committing to working with us budget watchdogs and civil society groups to open up these documents and deliberations so that every taxpayer can verify where our taxes go,” sinabi ni Abante sa isang Facebook post.

Ang pahayag ay kasunod ng sinabi ni Dy na ang Kamara ay handang maglabas ng supporting documents para sa mga proyekto ng pamahalaan at ipakilala ang mas malawak na transparency sa budget deliberations.

Ayon sa civil society group, ang pangyayaring ito ay nagtutulak patungo sa mahalagang pagbabago sa constructive engagement sa pagitan ng mga mambabatas at civil society organizations na nagpahayag ng pangamba sa project documentation, technical descriptions at amendments sa proposed P6.793-trillion national budget para sa 2027.

Anang PBC, sa halip na isnabin ang mga pangambang sinjabi ng independent budget monitors, ay nagbukas ng channel para sa dialogue ang liderato ng Kamara.

“Such disclosures would help distinguish properly documented and justified budget amendments from questionable allocations that require further scrutiny,” sinabi ng PBC.

Idinagdag pa ng PBC na ang hakbang ng House Speaker ay sumusuporta rin sa prinsipyo na ang proyekto ng pamahalaan ay dapat suriin sa kanilang merito, supporting documentation at benepisyo sa publiko sa halip na sa mga alegasyon lamang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here