MANILA, Philippines – Bumagal sa 2.1 porsiyento ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng 2026, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mababa ito sa revised 2.4-percent growth na naitala noong second quarter.
Pangunahing nagtulak sa paglago ang services sector na lumawak ng 3.7 porsiyento.
Samantala, lumiit ng 4.8 porsiyento ang agriculture, forestry and fishing sector habang bahagyang bumaba ng 0.003 porsiyento ang industrial output.
Kabilang sa pinakamalaking nag-ambag sa ekonomiya ang public administration and defense na lumago ng 9.9 porsiyento, wholesale and retail trade na 3.54 porsiyento, at financial and insurance activities na 3.47 porsiyento.
Tumaas naman ng 2.4 porsiyento ang household spending habang lumago ng 6.8 porsiyento ang government consumption.
Umakyat din ng 8.6 porsiyento ang exports at 7.7 porsiyento ang imports, habang bumaba ng 0.2 porsiyento ang gross capital formation.
Naitala rin ang 2.7-percent growth sa Gross National Income, kasabay ng 6.6-percent pagtaas ng net primary income mula sa ibang bansa.
Nahaharap ang ekonomiya sa mataas na presyo ng langis at enerhiya, inflation, paghina ng piso, geopolitical tensions at weather disruptions na nakaaapekto rin sa business at consumer confidence. Dave Medina