Home HOME BANNER STORY P16.80/L bigtime rollback sa gas, namumuro

P16.80/L bigtime rollback sa gas, namumuro

1
0

MANILA, Philippines – Malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ipatutupad simula Martes, Nobyembre 10, ayon sa Department of Energy (DOE).

Bababa ng P16.80 kada litro ang presyo ng gasolina, habang P4.10 kada litro naman ang ibabawas sa diesel.

May P3.70 kada litro ring rollback sa kerosene.

Kasunod ito ng malaking pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado nitong nakaraang linggo.

Nauna nang nakaranas ang mga motorista ng serye ng malalaking taas-presyo sa petrolyo bunsod ng pagtaas ng international oil prices at geopolitical tensions.

Inaasahang makapagbibigay ng malaking ginhawa sa mga motorista at iba pang sektor ang panibagong rollback matapos ang mataas na presyo ng produktong petrolyo nitong mga nakaraang buwan. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here