Manila, Philippines – Malaki ang tsansang mapabilang si Andrea del Rosario sa Women’s League sa ika-34 na Southeast Asian (SEA) Games na idaraos sa Malaysia mula September 18 hanggang 29, 2027.
Base ito sa tawag at inquiry na natanggap ng dating Viva Hot Babes member.
Sa mga hindi nakakaalam, isang mahusay na polo player si Andrea who hopes her participation will push through kahit at presstime ay hindi pa confirmed ang kanyang paglahok.
Pero aniya, tuloy man daw o hindi ay paghahandaan niya ito.
Sa ibang ulat, hindi malilimutan ni Andrea ang muling pagkabuklud-buklod ng mga dating bumubuo ng iconic na VHB via their Bulaklak reunion concert nitong October 23.
Marami daw kasi silang mga tao, lalo na ang kanilang mga tagasubaybay.
At one point, muntik pa nga daw silang magkapalit ng mikropono ni Maui Taylor: “It happens but the show must go on.”
Bagama’t aware si Andrea na hindi lahat ay natuwa sa kanilang muling pagsasama, all that mattered to her ay ang magsama-sama sila’t nabuong muli.
“Building memories, that’s what it’s all about,” aniya.
Ikinatuwa din ni Andrea ang mga imbitasyong natanggap to bring their reunion concert to the
different parts of the world: “Looking forward! Maybe more practice so we can give them a better show than the last one.” Ronnie Carrasco III