Manila, Philippines – Sa isang interbyu, sinabi ni Jillian Ward na may special someone na siya na siyang nagpapasaya sa kanya.
Katunayan, ito raw ang inspirasyon niya sa kanyang latest song.
Sa edad na 21 years old, gusto raw niyang maranasan ang mga bagay na nae-enjoy ng mga kababaihang tulad niya.
“Gusto ko po, parang ma-capture ko ‘yung 20s ko sa isang song. Kasi kumbaga, yun po yung story ng aking love life ngayon. Gusto ko po na ‘pag 30s na ‘ko, may mabalikan ako na ginawa ko yung song na yun, tapos maalala ko ‘yung memories ko as a 21-year-old,” pagbabahagi niya.
Maingat naman siya sa page-reveal ng identity ng taong itinuturing niyang inspirasyon.
Hirit pa niya, gusto raw niyang itago ang identity ng nasabing special someone.
Nagbigay din siya ng mga katangian ng lalakeng nagpapaligaya sa kanyang mundo sa ngayon.
“Super caring and hindi siya takot na i-express ‘yung appreciation niya sa akin whether sa friends niya yun or sa family niya or sa mga iba’t ibang tao na nakakasalamuha niya. And I will not give you any more information, baka mamaya po mahulaan n’yo na,” bulalas niya.
Dagdag pa niya, aprub daw sa parents at mga kapatid niya ang kanyang romantic partner.
“Ako po talaga, kapag hindi ako binigyan ng green light nina Mama at Papa or kahit po ng mga kapatid ko, hindi ko ie-entertain yung isang guy kasi sobrang importante sa ‘kin na ligawan niya muna yung family ko bago ako. That’s what he did,” hirit niya.
Pagbibida pa niya, may mga pagkakataon pa nga raw na lumalabas siya in disguise.
“Alam n’yo po, fun fact, like lumalabas po talaga ako, minsan nagga-Grab ako na naka-disguise kasi wala, gusto ko lang po talaga ma-experience lahat. Gusto ko makalabas ako, pumupunta ako ng mga malls, tapos, nagdi-disguise po ako.” Archie Liao