MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng iba’t ibang impormasyon sa mga posibleng kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, kabilang ang isang hindi kilalang isla.
“Hindi naman habambuhay magtatago ang isang fugitive,” sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Kasalukuyang biniberipika ng mga awtoridad ang mga report na ito para matukoy kung alin sa mga ito ang makapagtuturo talaga sa senador.
Umaasa naman si Nartatez na malapit na nilang matunton at mahuli si Bato. RNT/JGC