MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga health expert sa publiko na magpapatunay na laban sa influenza-like bago ang mga pagdiriwang at biyahe dahil na rin sa pagpasok ng Asian season.
Ayon sa mga health expert, tumaas ng 16% ang influenza-like illness cases, umabot sa 10,269, at inaasahang lalo pang tataas ngayong holiday season.
Ang malamig na panahon at pagdagsa ng tao sa malls, transport hubs, at iba pang matataong lugar ay nagpapataas ng panganib ng hawaan.
“Ang flu ay hindi lang simpleng sipon; maaari itong humantong sa malubhang komplikasyon, lalo na sa high-risk age groups,” ani Dr. Maria Liela Peñalosa, Medical Head ng Sanofi Vaccines.
Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, ubo, sore throat, pananakit ng katawan, at pagkapagod. Mas delikado ito sa mga bata, senior, buntis, at may diabetes o heart disease dahil maaari itong mauwi sa pneumonia, sinus infections, at bronchitis.
Babala rin ni Peñalosa, ang isang flu-related hospitalization ay maaaring magkakahalaga ng P10,000 hanggang P30,000.
Payo ng mga doktor, kumonsulta at magpa-schedule na ng flu vaccination, dahil kailangan ng katawan ng oras para makabuo ng proteksyon.
Nag-aalok ang Healthway Medical Network ng vaccination services sa pamamagitan ng VaxHub network nito sa malls, hospitals, at iba pang healthcare settings — bahagi ng partnership nito sa Sanofi Philippines para mas mapadali ang access sa adult vaccination. Jocelyn Tabangcura-Domenden