Home OPINION PAANO KUNG WALANG ELEKSYON?

PAANO KUNG WALANG ELEKSYON?

1
0

BAGO ang lahat, isa munang mainit at maingay na pagbati ng HAPPY BIRTHDAY! kay Undersecretary Gilbert Cruz at kasalukuyang administrador ng Office for Transportation Security (OTS) at kinikilala natin bilang “isa” sa iilang matino at totoong disenteng opisyal sa ating gobyerno.

Makailang beses na nating “pinaliguan” ng papuri at paghanga si Usec. Gilbert, sapul pa noong aktibo pa siya sa ating pambansang pulisya. Sa ngayon, sapat nang muli natin siyang batiin at sabihin na ‘Live for as long as you like, Usec!’ And may God always guide and bless you more! Mabuhay ka!

Nagpapasalamat din tayo sa ating mga kaibigan sa Japan Tobacco International (JTI) sa kanilang 2-days seminar para sa mga miyembro at opisyal ng National Press Club (NPC) noong nakaraang linggo kung saan nagabayan tayo kung paano mas maging mahusay na peryodista at mamamahayag sa tulong ng ‘AI’ (artificial intelligence).

Special mention siyempre sa ating matagal nang kainuman, err, kaibigan, na si Dennis Gadil at kay “Boss” Richard Glenn Arboleda. Sana meron pang next time, hehehe!

***

Muling ipinakita ang “kapangyarihan” ng taumbayan at mensahe ng pagbabago sa katatapos na halalan sa Amerika kung saan “inginudngod” sa pusali ng pagkatalo ang buong tiket ng Republican Party ni Donald Trump sa Senado at Kongreso.

Malinaw ang mensahe ng ordinaryong mga Amerikano: “Ayaw” na nila ng giyera, ayaw na nila sa walang tigil na korapsyon ni Trump, kanyang pamilya at mga kapanalig sa gobyerno at negosyo.

Ganito rin ang resulta ng eleksyon sa Israel kung saan hindi nakakuha ng mayorya sa ‘Knesset’ ang pasistang si Benjamin Netanyahu kaya hindi agarang makabuo ng gobyerno.

Katulad ng mga Kano, ang mensahe ng mga Israeli Israel ay, “Ayaw” na nila ng giyera, ayaw na nila sa walang tigil na korapsyon at diktadurya ni Netanyahu.

Marahil, ang ganitong mga resulta ang nagbibigay “pag-asa” sa mga Pilipino na ang “pangarap” nilang pagbabago ay makakamit nila sa eleksyon sa 2028, dahil na rin sa katotohanan na duwag ang mga Pinoy at ayaw ng magulong paraan ng pagbabago.

Pabor naman tayo kung ito ang inaakala ng karamihan sa atin— “mapayapang paraan ng pagbabago” sa pamamagitan ng eleksyon.

Eh, paano kung walang eleksyon, aber?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here