Home OPINION UHC:KAILANGANG MAKARARATING PONDONG MEDIKAL SA MALALAYONG KOMUNIDAD

UHC:KAILANGANG MAKARARATING PONDONG MEDIKAL SA MALALAYONG KOMUNIDAD

7
0

SA idinaos na 2026 UHC Summit at Strategic Health Partners Dialogue, nagkasama-sama ang
Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Union of Local
Authorities of the Philippines (ULAP), Provincial Health Officers Association of the Philippines, Inc.
(PHOAPI), at World Health Organization (WHO), sa suporta ng Pamahalaan ng Hapon, UHC Knowledge
Hub, at European Union.

Binigyang-diin ni PhilHealth Acting President at CEO Dr. Beverly Lorraine Ho na kailangang makarating
ang pondo kahit sa pinakamalayong lugar:
"Kinikilala natin na ang pagkamit ng Universal Health Care ay nangangailangan ng higit pa sa paglalaan
ng pondo. Ang mga mapagkukunang ito ay kailangang maimbestahan nang may estratehiya upang
makarating sa bawat Pilipino, lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas
(GIDAs)."

Inihayag naman ni ULAP Interim President at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mahalagang papel
ng mga alkalde at gobernador sa pagtulay sa mga kakulangan sa implementasyon:
"Ang pagpasa ng UHC Act noong 2019 ay nagpakita ng malalim na pagbabago sa pananaw ng
pamahalaan sa kalusugan. Ngunit dapat tayong maging tapat: ang mga patakaran, gaano man kaganda
ang pagkakasulat, ay hindi awtomatikong nagagarantiyahan ang magandang serbisyo. Marami pa ring
agwat sa pagitan ng pangako ng batas at ng pang-araw-araw na realidad ng ating mga mamamayan.

Bilang mga lokal na punong ehekutibo, tungkulin naming tulay ang agwat na ito mula sa pambansang
patakaran patungo sa grassroots."

82 Provincial Profiles Para sa Mabilis at Patas na Serbisyo

Bago ang summit, binuo ang mga pananaliksik at health profile para sa 82 probinsya sa bansa sa tulong
ng WHO upang matukoy ang mga operational bottlenecks at kakulangan sa pamumuhunan.

Ayon kay Dr. Eunyoung Ko, WHO Representative to the Philippines, nakatutulong ang mga profile na ito
upang matukoy ng mga LGU ang tamang prayoridad at pondo. Siniguro rin ni PHOAPI President Dr.
Arvin Alejandro na handa ang mga provincial health officer na isalin ang mga pambansang layunin sa
mga kongkretong aksyon sa mga komunidad.

Sa pamamagitan ng mas pinatibay na koordinasyon at pamumuno sa mga lokal na pamahalaan, patuloy
na isinusulong ng DOH at ng mga katuwang nito ang isang sistemang pangkalusugan na Mabilis, Patas,
at Mapagkakatiwalaan para sa bawat Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here