Home ENTERTAINMENT Charlie, umamin, hirap makakuha ng regular show!

Charlie, umamin, hirap makakuha ng regular show!

4
0

Manila, Philippines – Even Kapamilya actress Charlie Dizon is experiencing difficulty in getting a regular show on TV.

Alam ng lahat na drama ang forte

ng aktres.

Good thing, somehow daw ay ino-offer-an siya to do drama series.

‘Yun nga lang, she cannot dictate her talent fee.

Aware daw si Charlie kung gaano

kahirap ngayon ang magprodyus ng teleserye.

“Lahat po nahihirapan or halos lahat

dahil ‘discounted’ ang TF namin.

“Hindi kami makapag-demand ng

increase dahil hirap din ‘yung industry.

“Ang maganda na lang gawin, magtulungan na lang.”

Wala naman daw kaso kay Charlie kung babaan ang kanyang TF.

“Ang mahalaga, may work din ako. Sa totoo lang, ang daming nakatengga!”

In the absence nga daw of showbiz

work, ang ibang mga artista ay nagko-content na lang.

Ikinalulungkot nga ng aktres ang present industry state: “Sana makabawi.

“Ganoon na nga ang trend ngayon, kanya-kanyang content na din.

“Sa totoo lang, ang hirap mag-adjust. Eh, noong pumasok ako, hindi pa ganyan ang takbo, ‘yung sistema.

“Pero ganoon talaga, eh. Nag-e-evolve lahat.

“Kailangan lang talaga mag-adjust

para ma-sustain mo ‘yung position mo dito sa industry.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here