Home HOME BANNER STORY Samal City assessor ‘di sigurado kung nakalista ari-arian ni Mans Carpio sa...

Samal City assessor ‘di sigurado kung nakalista ari-arian ni Mans Carpio sa joint SALN

20
0

MANILA, Philippines – Inihayag nitong Martes, Nobyembre 10, ng isang defense witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na hindi siya sigurado kung ang Samal property na nakuha ng asawa nito noong 2013 ay siya ring property na idineklara sa kanilang joint Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2015 pataas.

Ganito ang tugon ni Engineer John Kenneth Enumerables, assessor ng Island Garden City of Samal, nang tanungin ni private prosecutor Benjamin Tolosa Jr. sa cross-examination sa ika-41 araw ng impeachment trial ni Duterte.

Tinanong ni Tolosa si Enumerables kung ang Samal property sa ilalim ng Transfer Certificate of Title (TCT) 142-2019013134 ay siya ring property na nakasaad sa SALN ng Bise Presidente, kung saan sumagot si Enumerables ng, “I’m not certain, Sir.”

Kasabay nito, kinumpirma ni Enumerables sa harap ng Senate impeachment court na ang acquisition cost ng nasabing Samal property ayon sa Deed of Sale ay P3.45 milyon, hindi P4.04 milyon tulad ng nakasaad sa joint SALN ng Bise Presidente at ng kanyang asawa na si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Nang tanungin ni Tolosa kung ang Samal property sa ilalim ng nasabing TCT 142-2019013134 ay walang annotation ng contract to sell, sumagot si Enumerables ng, “Correct, Sir.”

Bago magbigay ng pahayag na ito, sinabi ni Enumerables na ang Samal property, ayon sa TCT 142-201901334, ay siya ring property na nakalista sa SALN ng Bise Presidente “based on market value and assessed value” na nagkakahalaga ng P346,960 at P4.9 milyon, ayon sa pagkakabanggit.

Tinanong ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero si Enumerables kung may iba pa siyang basehan sa pagsasabing ang Samal property na nakalista sa SALN at ang nasa ilalim ng TCT 142-201901334 ay iisa, maliban sa paghahambing ng market value at assessed value.

“Wala po, your honor. Kasi hindi po nakalagay ang title number,” sagot ni Enumerables.

Sinabi ni Escudero na naiintindihan niya ang sagot ni Enumerables dahil hindi naman kinakailangan sa SALN ang title number.

Iginiit ng prosekusyon na ang nasabing P3.4-milyong Samal property ayon sa Deed of Sale ay hindi idineklara ni Duterte sa kanyang SALN.

Iginiit naman ng depensa na ang P4.04-milyong Samal property na nakasaad sa SALN ng Bise Presidente ay iisa lamang sa P3.4-milyong Samal property na tinutukoy ng prosekusyon.

Ang impeachment case laban sa Bise Presidente ay nakasalalay na lamang sa Article 2, na tumutukoy sa betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution dahil sa pagkamal ng unexplained wealth na P817 milyon hanggang P1.5 bilyon bunsod ng hindi kumpletong deklarasyon ng mga ari-arian at hindi pag-divest sa negosyo. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here