Home NATIONWIDE SC: Appeal ‘di hadlang sa writ of possession sa foreclosed property

SC: Appeal ‘di hadlang sa writ of possession sa foreclosed property

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Korte Suprema na maaaring kuwestiyunin ng borrower ang writ of possession o ang foreclosure, pero hindi ito awtomatikong pipigil sa buyer na kunin ang ari-arian.

Ibinasura ng SC Third Division, sa desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ang petisyon ng mag-asawang Anthony at Ma. Fatima Anand at kinatigan ang writ of possession pabor sa PNB.

Umutang ng P2 milyon ang mag-asawa sa Allied Bank at isinanla ang kanilang property.

Nang hindi makabayad, ni-foreclose ito ng PNB at nabili sa auction. Hindi nila natubos sa loob ng one-year redemption period, kaya naging ganap na may-ari ang PNB.

Bagama’t nag-isyu ang RTC ng writ, sinuspinde nito ang implementasyon habang naka-appeal ang mag-asawa — na itinama ng Court of Appeals at ng SC.

Ayon sa SC, kapag hindi natubos ang property sa loob ng isang taon, ministerial duty ng RTC na mag-isyu ng writ. Hindi sinususpinde ng appeal ang implementasyon nito sa ilalim ng Act No. 3135.

Maaaring mag-petisyon ang borrower sa RTC habang nasa redemption period, o mag-appeal at magsampa ng hiwalay na annulment case pagkatapos nito — pero walang alinman dito ang magpapahinto sa writ. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here