Home NATIONWIDE PBBM kay Dizon: Kapakanan ng pasahero tutukan sa flight cancellations sa ASEAN...

PBBM kay Dizon: Kapakanan ng pasahero tutukan sa flight cancellations sa ASEAN Summit

1
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DOTr Secretary Vince Dizon na siguruhin na walang pasahero ang malalagay sa alanganin ngayong gaganapin ang ASEAN Summit.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa mga airlines para sa kapakanan ng mga pasahero.

Sa ulat, nag-alok ng tatlong mainam na opsyonal na hakbang ang mga airline company para sa mga pasaherong naapektuhan ng flight adjustments kaugnay ng gaganaping ASEAN Summit 2026 mula November 13 hanggang 18.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), maaaring mag-rebook nang libre at walang penalty, kumuha ng full refund, o ipa-convert ang naibayad na pamasahe bilang travel fund para sa susunod na biyahe.

Binigyang-diin ni Transportation Secretary Vince Dizon na mismong ang Pangulo ang nag-utos sa DOTr at sa mga pamunuan ng mga airline na tiyaking magiging mabilis, convenient, at hassle-free ang pag-asikaso sa mga apektadong pasahero.

Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga may biyahe sa Philippine Airlines, Cebu Pacific, at AirAsia, na direktang makipag-ugnayan sa kanilang mga airline upang makuha ang pinakahuling updated schedule ng kanilang flights. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here