MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Labor Advisory No. 21, Series of 2026, na nagpapaalala sa lahat ng private sector employers na ibigay sa oras ang 13th month pay ng mga manggagawa.
Nilagdaan ni Secretary Francis N. Tolentino ang advisory alinsunod sa Article 5 ng Labor Code at Presidential Decree No. 851.
Ayon sa DOLE, lahat ng rank-and-file employees sa private sector, anuman ang employment status, posisyon, o paraan ng pasahod — basta nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan sa loob ng calendar year.
Kasama ang mga Piece-rate workers, mga tumatanggap ng fixed o guaranteed wages plus commissions, employees na may multiple employers, mga nag-resign o natanggal sa trabaho, mga nag-maternity leave at nakatanggap ng salary differential
Ang matatanggap ng empleyado ay dapat katumbas ng 1/12 ng total basic salary na kinita sa loob ng taon.
Halimbawa kapag P228,010.04 ang annnual basic salary, P19,000.84 ang 13th month pay.
Ang isang piece-rate worker na sumasahod ng P120,000 ay makakatanggap ng P10,000 habang ang empleyado na tumatanggap ng P235,560.04 fixes wages at P30,000 commissions ay makakatanggap ng P19,630.00 batay sa basic salary.
Ang mga empleyado na nag-resign o umalis sa trabaho bago matapos ang calendar year ay makakatanggap din ng 13th month pay. Halimbawa kumita ng P177,236.28, siya ay makakatanggap ng P14,769.69
Hindi kasama ang commissions sa computation kung hindi ito bahagi ng basic salary.
Dapat ma-release ang 13th month pay bago mag-Disyembre 24, 2026.
Mino-monitor ng DOLE Regional, Field, o Provincial Office ang compliance ng mga employer alinsunod sa Department Order No. 238, Series of 2023.
Hinimok ng DOLE ang lahat ng employer na sumunod sa guidelines upang matiyak na matatanggap ng mga manggagawa ang kanilang nararapat na benepisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden