Home NATIONWIDE Lapid naaawa na sa defense witness kapag ‘di makasagot sa mga tanong

Lapid naaawa na sa defense witness kapag ‘di makasagot sa mga tanong

1
0

MANILA, Philippines – “Kapag hindi kayo nakakasagot, naiinis sila.”

Ito ang sinabi ni Senator-judge Lito Lapid kay
Davao City accountant Vingelin Bajan, at hinikayat na magsabi ng totoo at huwag umiwas na sumagot sa ilang mga tanong.

“Madam Witness, pagod na po ba kayo?” tanong ni Lapid kay Bajan sa impeachment trial nitong Martes, Nobyembre 10.

“Konti po,” sagot naman ni Bajan.

“Naaawa na ako sa inyo eh, kaming dalawa ni Senator Lacson. Gusto niya magtanong baka daw maiyak siya pag nagtanong siya. Kasi sa haba-haba ng halos maghapon, ang mga tanong ng senator-judge, halos hindi niyo nasasagot. ‘Yung mga nakikinig na kababayan natin dito, pag hindi kayo nakakasagot, naiinis sila. Kami rin,” ani Lapid.

“Sabi nga ni Senator Raffy Tulfo, baka ipa-contempt ka pa rito, lalo akong naaawa sa inyo. Ang iniisip namin pumunta ka rito nagagamit ka lang dahil kayo ang city accountant ng Davao na parang wala kayong alam. Sana magsalita kayo ng totoo,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ikinadismaya ng ilang senator-judge ang tila pagkalimot ng defense witness sa ilang detalye na itinatanong ng mga senator judge. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here