Home METRO Ospital sa Cavite, nasunog!

Ospital sa Cavite, nasunog!

1
0

MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang Genetral Trias Doctors Medical Center nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 10.

Ito ay matapos sumiklab ang sunog sa bahagi ng pasilidad nito.

Agad na umagaw ng pansin ang insidente habang patuloy na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of fire Protection (BFP) upang apulahin ang sunog at matiyak ang kaligtasan ng mga taong nasa loob at paligid ng ospital.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong impormasyon kaugnay sa pinagmulan ng sunog, lawak ng pinsala, at kung may naitalang nasaktan o nasawi sa insidente.

Patuloy na hinihintay ang opisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang awtoridad kaugnay ng insidente. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here