BATAAN – Nasa mahigit isandaang (105) mag-aaral sa elementarya ang sinanay at tinuruan ng mga ilang mga mahahalagang kaalaman para sa school safety, disaster preparedness at basic life support sa Tala Elementary School sa Barangay Tala, Orani.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 84th Infantry Battalion Philippine Army para sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng lecture at paglalatag ng aktwal na pagsasanay sa mga kabataan kaugnay sa kahandaan ng anumang uri sakuna, na ginanap sa nitong Lunes, November 9, 2026 sa naturang lugar.
Kabilang sa mga lumahok sa pagsasanay ang mga estudiyante mula Grade Four hanggang grade 6, na natuto sa mga basic tips para sa kaligtasan, pagtugon sa mga emergency at kung paano maaaring makapagbigay ng paunang tulong sa mga nangangailan.
Layon nito na palakasin ang kamalayan ng mga kabataan para sa kahandaan upang makaiwas sa panganib at matutunan ang pagtulong sa kapwa sa panahon ng mga sakuna. ROEL TARAYAO