MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat nang asahan ang pagbisita sa Pilipinas ni Slovak Minister of Foreign and European Affairs Juraj Blanar mula November 12 hanggang 15 para sa isang opisyal na pagbisita.
Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na tanda ito ng kauna-unahang pagbisita ng Slovak foreign minister sa Pilipinas simula pa noong 2015.
Sa kabilang dako, nakatakda namang magdaos si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ng bilateral meeting at luncheon kasama si Blanar, araw ng Huwebes, Nobyembre 12.
Inaasahan naman na pag-uusapan nina Blanar at Lazaro ang bilateral cooperation sa political at economic relations at maging ang people-to-people ties.
Magpapalitan din ang dalawang opisyal ng kani-kanilang pananaw ukol sa regional at international issues.
Sa kabilang dako, sinabi ng DFA na tanda ito ng ikatlong pagpupulong sa pagitan nina Lazaro at Blanar, na matatandaang nagpulong sa 4th European Union Indo-Pacific Ministerial Forum sa Brussels noong nakaraang November 2025.
Nagpulong din ang mga ito sa 25th Association of Southeast Asian Nations — European Union (ASEAN-EU) Ministerial Meeting noong April 2026 sa Brunei.
Si Blanar ang pangunahing tagapagsalita sa Philippine-Slovak Business Forum , araw ng Biyernes, November 13.
Ang pagbyahe kasama ang business delegation, makakapulong din ng Slovak official si Trade and Industry Secretary Cristina Roque para pag-usapan ang joint efforts para palakasin ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga bansa.
Opisyal namang bubuksan ni Blanar ang Slovak Embassy sa Manila at titintahan ang Declaration of the Deposit of the Slovak Republic’s Instrument of Accession to the Treaty of Amity and Cooperation sa Southeast Asia.
Winika ng DFA na “accession provides a framework for stronger Slovak engagement with ASEAN in line with the country’s Strategic Concept on the Indo-Pacific, which was launched in 2025.”
Samantala, mayroong tinatayang 3,600 pinoy sa Slovakia. Taong 2025, ang bilatetal trade sa pagitan ng dalawang bansa ay nagkakahalaga ng $29.74 million. KRIS JOSE