MANILA, Philippines – Hindi nangangahulugang napatunayang may sala si dating Speaker Martin Romualdez sa iniutos na 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan.
“The court has not found Martin guilty of plunder. It has not established that he received a single peso in illegal commissions or kickbacks,” saad sa pahayag ng counsel ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo.
Ang preventive suspension ay mandatory sa ilalim ng batas, dagdag pa niya.
Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division ang 90-day suspension ni Romualdez, na kasalukuyang naka-detain dahil sa P7.4-billion plunder case.
Inaatasan ng resolusyon si Romualdez, incumbent Leyte 1st District representative, na itigil ang pagganap sa tungkulin sa loob ng 90 araw mula sa pagkakatanggap ng kautusan.
Sinabi rin sa resolusyon na ang mga gawaing itinuturo kay Romaldez, degree of participation, at specific transactions sa pamamagitan ng pagtanggap umano ng kickback o komisyon “are matters to be threshed out and established during trial.”
“An allegation is not evidence. A valid Information is not a conviction. The prosecution must still prove its case beyond reasonable doubt,” sinabi ni Fajardo.
Nirerespeto naman ni Romualdez ang ruling ng korte at susuriin ang lahat ng mga legal na remedyo.
“Hindi hatol ng pagkakasala ang suspension. Mismong korte ang nagsabing kailangan pang patunayan ang mga paratang. Hindi sapat ang akusasyon—kailangan ng ebidensya,” ani Fajardo.
Si Romualdez ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa mga alegasyon na siya at si dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co ay tumanggap ng P7.44 bilyong kickback mula sa mga contractor at kompanya na sangkot sa flood control projects ng pamahalaan mula 2022 hanggang 2025. RNT/JGC