MANILA, Philippines – Lumobo na sa P512.21 milyon ang jackpot sa Ultra Lotto matapos walang tumamang mananaya sa draw nitong Martes, Nobyembre 10, 2026.
Ito ay matapos walang makahula ng winning combination na 56-41-37-23-18-14.
Wala ring nanalo sa jackpot ng Super Lotto 6/49 na ₱97.4 million matapos hindi tamaan ang winning combination na 44-27-28-16-34-33.
Hindi rin nasungkit ang P12.29 milyong jackpot sa Lotto 6/42 sa combination number na 42-26-21-25-27-05. RNT/JGC