Home NATIONWIDE BIR collections, umabot sa P2.814T mula Enero ‘gang Oktubre

BIR collections, umabot sa P2.814T mula Enero ‘gang Oktubre

1
0

MANILA, Philippines – Umabot sa P2.814 trilyon ang gross revenue collections ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula Enero hanggang Oktubre 2026, mas mataas ng P149.86 bilyon o 5.63 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa pinakahuling collection report nitong Nobyembre 12, umabot naman sa P348.54 bilyon ang koleksiyon ng ahensya noong Oktubre, mas mataas ng P19.48 bilyon o 5.92 porsiyento kumpara sa Oktubre 2025.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, target ng ahensya na malagpasan ang P3 trilyong koleksiyon bago matapos ang Nobyembre habang pinananatili ang paglago ng kita taon-taon.

“We are looking to breach the P3 trillion mark in revenue collections before the end of November and aim to sustain our above 5 percent year-on-year growth. We will continue to strengthen tax compliance and protect the revenue base while making it easier for taxpayers to fulfill their obligations,” ani Mendoza.

Patuloy na pinaiigting ng BIR ang pangongolekta sa ilalim ng BIR DARES reform agenda sa pamamagitan ng mas mahigpit na revenue monitoring, pagpapatupad ng mga hakbang laban sa tax evasion at ilegal na kalakalan, at pagpapahusay ng serbisyo sa mga nagbabayad ng buwis.

Alinsunod sa tema nitong “Mahusay na Serbisyo, Katumbas ng Buwis Mo,” layunin din ng ahensya na palakasin ang kusang pagsunod sa pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyo, pagiging patas at propesyonalismo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here