Home METRO Caloocan, naghahanda para sa paparating na Pasko, Bagong Taon at posibleng kalamidad

Caloocan, naghahanda para sa paparating na Pasko, Bagong Taon at posibleng kalamidad

3
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Pinangunahan ni Mayor Along Malapitan ang pagtitipon ng mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga kawani ng barangay at mga katuwang na ahensya upang pag-usapan ang kahandaan, kaligtasan, seguridad at kapayapaan sa lungsod.

Bahagi ito ng paghahanda ng pamahalaang lungsod para sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon, gayundin sa posibleng mga kalamidad at sakuna.

Mahigpit na inatasan ni Malapitan ang mga opisyal ng barangay na aksyunan ang mga sagabal at obstruksyon sa mga kalsada upang matiyak ang mabilis na pagresponde ng mga emergency vehicle sa oras ng sakuna.

Nakiusap din ang alkalde sa pulisya na mahigpit na ipatupad ang mga ordinansa para mapanatili ang kaligtasan at katahimikan sa lungsod, lalo’t dumarami ang mga aktibidad ngayong Kapaskuhan.

Nagpasalamat din si Malapitan sa mga frontliner na nagtulungan upang maging ligtas at payapa ang nagdaang Undas. Rene Manahan/Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here