Home METRO Catholic school sa Cavite, nakatanggap ng sunud-sunod na bomb threat online

Catholic school sa Cavite, nakatanggap ng sunud-sunod na bomb threat online

1
0

CAVITE, Philippines – Nakatanggap ng sunod-sunod na pagbabanta online ang St. Michael Institute Inc. sa General Evangelista St., Barangay Tabing Dagat, Poblacion, Bacoor City, Cavite, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa mga mensaheng ipinadala sa Facebook account ng paaralan at natanggap ng isa sa mga guro, nagbanta ang hindi pa nakikilalang sender na magtatanim umano sila ng bomba sa loob ng campus.

Binantaan din nito ang paaralan, partikular ang principal, at sinabing may hanggang alas-11 ng umaga ang mga estudyante at guro upang lumikas.

Dahil dito, pinalabas ng pamunuan ang mga estudyante at faculty bandang alas-11 ng umaga at inilipat sa isang lugar na ligtas mula sa posibleng panganib.

Ini-refer na sa Cybercrime unit ang natanggap na pagbabanta upang matukoy ang may-ari ng Facebook account at masuri ang mga teknikal na detalye ng insidente. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here