Home HOME BANNER STORY Pagkansela ng defense team ni VP Sara sa Friday trial, aprubado sa...

Pagkansela ng defense team ni VP Sara sa Friday trial, aprubado sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado na tumatayong impeachment court ang kahilingan ng defense team na kanselahin ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa Biyernes dahil wala na silang nakatakdang testigo.

Ginawa ni lead defense counsel Sheila Sison ang kahilingan matapos magkasundo ang prosekusyon at depensa na huwag nang ituloy ang testimonya ng huli nitong testigo sa Huwebes.

“Since we no longer have witnesses for today and for the rest of the day and for tomorrow, we will just ask for the cancellation of tomorrow’s setting, and we’re okay with the court deducting that trial date from our requested trial date, Your Honor,” pahayag ni Sison.

Pagkatapos ay inaprubahan ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero ang kahilingan ni Sison.

Sa ngayon, sinabi ni Sison na may “around eight to 10 witnesses” pa ang depensa sa buong paglilitis.

Sinabi ni Sison na hindi na nila ihaharap si Quezon City prosecutor Vimar Barcellano kung ang prosekusyon, sa pamamagitan ni counsel Amando Virgil Ligutan, ay papayag na stipulate o sang-ayunan na matutukoy ng testigo ang authenticity ng mga kaugnay na dokumento.

Pumayag si Ligutan na mag-stipulate sa usapin, at binanggit na ito ay isang public document.

Nauna rito, hindi na rin itinuloy ng defense counsel ang testimonya ni BPI senior vice president Atty. Paul Roderick Ysmael.

Nitong Miyerkules, sinabi ni defense counsel Michael Poa na hindi na nila ihaharap ang 15 pang bank officials bilang kanilang testigo.

Sa simula, humiling ang kampo ni Duterte ng subpoena para sa 25 defense witnesses sa impeachment trial ni Duterte.

Sinabi ni Escudero na ang susunod na trial date ay sa Nobyembre 19 (Huwebes).

Hindi pa naglalabas ang korte ng trial dates para sa Disyembre.

Ang Article II, na nakasentro sa umano’y unexplained wealth, ang nananatiling nag-iisang aktibong impeachment charge matapos bawiin ng prosekusyon ang tatlong iba pang articles noong Oktubre 13.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here